Wednesday, March 11, 2026

4 na senador, nakalagda na sa partial committee report ng BRC tungkol sa imbestigasyon sa flood control scandal

Nasa apat na senador pa lamang ang lumagda sa partial committee report ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) patungkol sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lacson, apat na silang nakalagda kasama siya at si Senator Bam Aquino na pinakaunang lumagda at sina Senator Risa Hontiveros at Senator Kiko Pangilinan.

Mangangailangan pa siya ng lima pang pirma ng mga miyembro ng komite o siyam na lagda na siyang nire-require para makausad na ang report.

Umaapela si Lacson sa mga miyembro ng mayorya na basahin na ang partial committee report ng BRC at lagdaan na ito upang maiakyat sa plenaryo, mapagdebatehan at maaprubahan.

Samantala, ang isa pang miyembro ng BRC mula sa minorya na si Senator Rodante Marcoleta ay muling iginiit na hindi siya pipirma sa partial report na una niyang inirereklamong hindi pirmado ng Chairman ng komite.

Facebook Comments