
Matagumpay na naaresto ng Bureau of Immigration o BI ang American national na sex offender sa pinaigting na #ShieldKids campaign.
Layon ng naturang programa na maging ligtas ang Pilipinas mula sa mga foreign sexual predators sa pamamagitan ng mahigpit na border control at inter-agency coordination.
Isa sa mga nahuli ay si Julian Johnson, 56 years old na dumating sa bansa sakay ng Starlux Airlines flight mula Taipei City.
Si Johnson ay convicted noong 1996 sa United States dahil sa lascivious acts sa babaeng 14 years old at nasintensiyahan ng isang taong confinement at limang taong probation.
Kasama rin sa mga nahuli si Stefan Andrew Alletson, 34, isang New Zealander na dumating sa NAIA Terminal 3 sakay ng Cathay Pacific flight mula Hong Kong.
Lumalabas sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) si Alletson ay convicted sa sex crime sa New Zealand.
Base naman sa news report, ang suspek ay dating football coach na convicted sa New Zealand dahil sa pagpapadala ng sexually explicit photographs sa mga 14-year-old na lalaki.
Naaresto rin ang Canadian national na si Leo Paul Houle, 77 sa pagpasok sa bansa matapos lumabas sa record ng Mactan-Cebu International Airport na convicted ito noong 2018 dahil sa child pornography-related offenses at conspiracy to commit a sexual offense laban sa menor de edad.
Ang pinakahuling nahuli ay si Charles White, 69 years old, U.S. citizen na convicted noong 2007 dahil sa criminal sexual act in the third degree sa 15-year-old victim.
Agad namang inilagay sa blacklist ng BI ang apat na sex offenders para hindi na makapasok sa bansa.









