4 na Sugarol, Arestado!

150

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang apat na sugarol matapos silang matiklo sa paglalaro ‘Pepito’ sa Sitio Balcony, Brgy. Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang apat na nadakip na sina Jay-Ar Dulnuan, 29-anyos, binata, laborer residente ng Brgy. Dicamay, Jones, Isabela, Alex Cabiko, 52-anyos. may-asawa, laborer, residente ng Brgy. Ponggo, Nagtipunan, Quirino, Eduardo Telan, 48-anyos, may-asawa, laborer, residente ng Brgy. Dicamay, Jones, Isabela at Kenneth Anggaban, 40-anyos, binata, laborer, residente naman ng KM 6, Asin Road, Baguio City.


Nang makatanggap ng impormasyon ang mga barangay opisyal at kapulisan mula sa isang concerned citizen ay agad nila itong nirespondehan kaya’t naaktuhan sa pagsusugal ang mga suspek.

Narekober sa pag-iingat ng apat na naaresto ang pera na nagkakahalaga ng Php13,780 at mga baraha.

Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang apat at sila’y mahaharap sa kasong special law ng paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.

Facebook Comments

From Advertisers