Nasawi ang apat na sundalo at dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan ang labing-pito pang sundalo matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng ASG at military sa Barangay Kan Ague, Patikul, Sulu.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas.
Ayon kay Encinas, alas -8:25 ng umaga kahapon nang magka-engkwentro ang tropa ng 6th Special Forces Batallion at ASG na nagtagal ng 40 minuto bago nagsitakas ang mga nakalabang bandido.
Sa sagupaan, nasawi agad ang apat na sundalo habang 17 ang sugatan.
Anim sa mga sugatan ay nagpapagaling na sa ospital sa Western Mindanao Headquarters sa Zamboanga City habang ang iba ay ginagamot sa Jolo, Sulu.
Dalawang miyembro naman ng ASG ang nasawi sa sagupaan.
Sa ngayon nagpapatuloy ang operasyon ng military laban sa mga nakasagupang mga ASG.