Apat na mga hinihinalang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sugatan matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak Maguindanao ala una y media kahapon ng hapon.
Sa report kinilala ang mga ito na sina Rahib Lumenda Esmail, Prati Kuludan, Arsad Ukom Utto, Aliofmer M. Talimbu.
Sakay ng multicab ang mga ito ng mapadaan sa isang checkpoint , ngunit sa halip na huminto ay agad na pinapaharurot ,resulta ng palitan ng putok ayon pa kay Col. Dingdong Atillano, spokesperson ng Kampilan Division. Kasalukuyang nasa pagamutan ang mga sugatang suspek .
Narekober sa mga ito ang isang Thompson Sub-Machine Gun Caliber .45 , mga bala at isang Rifle Grenade. Nasa custody na ng Shariff Aguak MPS ang mga ito.
Samantala sugatan din ang isang drug suspect sa ikinasang buy bust operation sa Poblacion Shariff Aguak. Kinilala ang suspect na si Kandao Kasim Mukatil, 34 anyos, residente ng Datu Piang.
Pasado alas 9 y media kahapon ng umaga ng isagawa ang operasyon. Nauwi sa palitan ng putok ang pangyayari matapos matunugan ng suspek na pulis na pala ang katransakyon nito.
Narecover sa suspek ang isang caliber 38 pistol at mga bala nito bukod pa sa 9 na pirasong sachet ng shabu, digital weighing scale, buy bust money kabilang na ang isang genuine 5 hundred bill at 110 pieces na one peso thousand bill.
FILE PIC PNP Maguindanao
4 na suspected BIFF Sugatan sa engkwentro sa Checkpoint sa Shariff Aguak
Facebook Comments