4 na suspek na sangkot sa 13 milyong pisong robbery, arestado ng QCPD

Iniharap sa Media ni Quezon City Police District  Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel ang 4 na suspek na sangkot sa Php 13 million halaga ng mga items at nakumpiska na mga armas, bala, shabu, at drug paraphernalia sa isinagawang follow-up operation sa Quezon City.

Kinilala ni P/BGen  Esquivel Jr ang mga suspek na sina Jimwell Bondoc, 27 anyos;  Eric Eulogio, 44 anyos St.; Pierre Lance Lansang, 28 anyos; at April Kyle Gonzales, 21 anyos, ng 67, Zone-6 Brgy. San Miguel, Hagonoy Bulacan.

Base sa imbestigasyon ng QCPD inireport ni Bernard Cloma, 51 anyos, PR agent at may ari ng Unit 2630 and renter of unit 2316 Tower C, Condominium sa Mother Ignacia Ave., Brgy. South na natangayan siya ng humigit kumulang Php13,000,000 noong  1:56 ng madaling araw noong July 28, 2019.


Nagsagawa kaagad ng follow-up operation ang mga operatiba ng  Criminal Investigation and Detection Unit  sa pamumuno ni  P/MAJ Elmer Monsalve kung saan inimbestigahan nila ang  Security Guard na si Abello at ibinunyag na ang suspek na  Jimwell Bondoc ay nangupahan sa  unit sa 1131 Tower A mula July 19-20, 2019 at  unit 1136 Tower D mula July 25-27, 2019 Condominium.

Ibinunyag din na si Bondoc ay sinusundo ng kulay pulang Toyota Vios plate number WB 2516 bago natuklasan ang naturang insidente.

Paliwanag ni P/Maj. Monsalve, isa’t isang nahuhuli ang mga suspek una sa Paradise Hotel sa No. 303 Tomas Morato Ave., Brgy. South Triangle kahapon ng 2:30 ng hapon kung saan naispatan doon si Jimwell Bondoc. Narekober sa kanya ang caliber 9mm pistol at mga bala.

Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, at violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa mga suspek.

Facebook Comments