4 na suspek sa pagpatay kay Barangay Chairwoman Beng Beltran, naaresto na

Manila, Philippines – Arestado ang apat na suspek sa pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Beng Beltran.

Bukod dito, limang iba pa ang nahuli dahil sa illegal possession of firearms.

Wala pang ibinibigay na impormasyon tungkol sa mga suspek ang Quezon City Police Department pero ipi-prisinta raw sila sa media sa camp karingal mamayang alas 11:00 ng umaga.


Matatandaang nasawi si Beltran matapos tambangan ng riding-in-tandem.

Nag-alok pa ng 5-milyong pisong reward ang Quezon City government para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

Facebook Comments