4 na suspek sa panggagahasa sa Pasig, ihaharap ng Eastern Police District

Manila, Philippines – Ihaharap ng Eastern Police District mamayang alas-onse ng umaga ang 4 na suspek sa panggagahasa sa 16 na taong gulang na dalagita sa Pasig city.

Kinilala ang 4 na suspek :
1. Joel Manuel y Perez; @ Joel, 31yo, 2. John Jericho Peralta y Balibat, @ Jericho,18yo, 3. Jomari Manuel Angeles, @ Miong, 22yo 4. Emmanuel Manuel Jr y Perez @Bunso.

Ayon kay Pasig Police Chief Police Sr. Supt Orlando Yebra naging susi sa kaso ang CCTV footage ng computer shop na huling pinuntahan ng biktima


nuong Lunes, Sept. 4 natagpuan ang labi ng dalagita sa eskinitang malapit sa kanilang tirahan.

Bago ang insidente, nakunan siya sa CCTV na kasama ang kaniyang kaibigan sa bukana ng eskinita bago siya nagpunta sa isang computer shop para gumawa ng assignments.

Base sa medico-legal report ng Pasig Police, may indikasyong ginahasa ang dalagita dahil sa nakitang ‘laceration’ o sugat sa ari ng biktima.

Nakitaan din ng marka sa leeg ang dalagita, na indikasyon naman daw na sinakal siya hanggang sa mamatay.

Facebook Comments