4 na taong gulang na batang lalaki, patay matapos malunod sa Lake Port sa Lake Sebu, South Cotabato

South Cotabato, Philippines – Binawian ng buhay ang 4 na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa Lake Port Sa Brgy. Poblacion, Lake Sebu South Cotabato noong nakaraang araw.

Kinilala ang biktima na si Oliver Alayon, residenteng Segundo Village, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng Lake Sebu PNP, huling nakita na naglalaro ang biktima sa lugar at aksidente itong nadulas at nahulog sa lake.


Agad namang dinala sa Lake Sebu Municipal Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.
DZXL558

Facebook Comments