Pinabagsak ng Bagyong Opong ang apat na transmission lines na nagseserbisyo sa Samar.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) , kabilang sa apektado ay ang
Calbayog-Allen 69kV Line na nagsusuplay ng kuryente sa Northern Samar Electric Cooperative, Inc. at sa Samar 1 Electric Cooperative Inc.
Gayundin ang Paranas-Quinapondan 69kV Line na nagsusuplay ng kuryente sa Eastern Samar Electric Cooperative Inc.
Ang Calbayog-Bliss 69kV Line na nagseserbisyo sa SAMELCO 1.
At ang Amlan-Siaton 69kV Line na nagsusuplay ng kuryente sa NORECO II.
Tiniyak naman ng NGCP na agad magsasagawa ng inspection at restoration activities sa mga apektadong power lines sa sandaling gumanda na ang lagay ng panahon.
Facebook Comments









