4 na transport federation, nag-alyansa para sa isang pambansang welga sa September 30 para tutulan ang PUV modernization

4 na transport federation, nag-alyansa para sa isang pambansang welga sa September 30 para tutulan ang PUV modernization

Bumuo ng alyansa ang apat na malalaking transport federation sa bansa para maglunsad ng malawakang welga sa Setyembre a-30.

Ito ay bilang protesta sa patuloy na pagbingi-bingihan ng DOTr at LTFRB sa inihain nilang petisyon na kontra sa implementasyon ng PUV modernization  program.


Sa isang press conference sa Quezon City, kabilang sa mga nagpahayag ng pakikipagkaisa sa isang pambansang tigil pasada  sina Mody Floranda ng PISTON, Jun Magno at Dan Yumul ng Stop and Go Coalition at Efren de Luna ng grupong ACTO.

Ayon sa mga grupo, mga panlilinlang at paborable lamang sa mga korporasyon ang PUV modernization.

Umaasa ang alyansa na makukuha nila ang atensiyon ng Senado at ni Pangulong Duterte sa ginagawang pamimilit at panggigipit ng LTFRB.

Partikular dito ang planong pagbubuo ng kooperatiba at franchise consolidation na pinangangambahan na mauwi lamang  sa pagpapasakamay sa malalaking korporasyon ng mga prangkisa at ruta ng mga individual franchise owners.

Nangangamba ang naturang mga transport group din na maagaw ang mga ruta ng mga individual franchise owners dahil walang makakatugon sa hinihinging requirements ng LTFRB.

Facebook Comments