4 na Tulak ng Droga kabilang ang 2 Menor de Edad, Natimbog sa Santiago City!

Santiago City, Isabela- Nasakote ng Santiago City Police Station 1 ang apat na indibidwal na may kinalaman sa iligal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na oras na Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad katuwang ang City Intelligence Branch at PDEA RO2 sa lungsod ng Santiago.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station, kinilala ang mga nadakip na sina Romar Ferrer, 28 anyos, walang asawa, at residente ng Brgy. Mabini Santiago City, Isabela, Rexcell Vidaira, 21 anyos, may asawa, manggagawa kasama ang isang disi siyete anyos na itinago sa pangalang “Peter” na parehong residente ng nasabing lugar.

Nadakip rin ng kapulisan ang isa pang menor de edad na itinago sa pangalang “May”, disi syete anyos at residente ng Brgy. Rosario, Santiago City, Isabela.


Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang mga suspek na ngayo’y nahaharap sa kanilang Kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments