4 na winners ng “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo, masayang natanggap na ang kanilang mga premyo!

47

Naihatid na ng mga anchor ng Laughter is the Best Magazine Show o LBMS ang libreng prepaid home WiFi sa apat na mga masusugid na tagapakinig ng DZXL 558.

Sila ang mga masuswerteng nabunot sa week 4 at 5 raffle draw ng “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.


Ayon sa apat na winners, malaki ang maitutulong ng libreng WiFi sa kanilang pag-o-online class.

Kwento ni Jeff Regaldo ng Caloocan City, pitong kapatid at anim na pamangkin niya ang nag-o-online class ngayon, kaya magastos kapag sabay-sabay nilang nilalagyan ng load ang kanilang mga cellphone.

Mabigat din aniya ito sa bulsa lalo’t sapat lamang ang kaniyang sahod bilang janitor.

Pero ngayon na may WiFi na sila ay mas makakatipid na sa load at marami pa sa kanila ang makaka-connect sa internet.




Pati si Tim Santiago ng Quezon City, James Ryan Paloma at Celestine Canton ng Navotas City ay sa pag-o-online class din gagamitin ang napanalunang WiFi.

Inaanyayahan naman nila ang mga kapwa mag-aaral na sumali rin sa promo at magpatuloy lang sa pag-aaral kahit may mga pinagdaraanan.

Sa ngayon, sampung tagapakinig na ng DZXL 558 ang nakatanggap ng libreng prepaid home WiFi mula sa “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.

Kaya tumutok lagi sa mga programa ng DZXL 558 para sa tsansang manalo ng WiFi na ihahatid pa mismo ng LBMS anchors sa inyong bahay.

Facebook Comments