4 Nalambat sa Oplan Manhunt Charlie ng PRO2!

Tuguegarao City- Timbog ang apat na kalalakihan kahapon matapos ikasa ang pag-aresto sa magkakaibang police operation sa Tuguegarao City kaugnay pa rin sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 02 sa Oplan Manhunt Charlie.

Sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan, kinilala ang mga nadakip na sina Bernadette Laggui Pineda, 32 anyos, residente ng Brgy. Centro 2, Aparri, Cagayan at Delia Vidad Lintao, 55 anyos, may asawa, isang negosyante, residente naman ng Brgy. San Andres, San Mateo, Isabela dahil sa kasong Estafa.

Samantala nadakip naman sina Ar-jay Muerong Acosta, 25 anyos, binata, residente ng Brgy. Liwayway, Diffun, Quirino dahil sa kasong panggagahasa, at Freddie Pagaduan Castro, 40 anyos, binata, residente naman ng Brgy. Culung, Tuao, Cagayan dahil sa kasong Slight Physical Injuries.


Nasa kustodiya na ng PNP ang mga suspek para sa kakaharaping kaso.

Facebook Comments