4 o higit pa na opisyal ng gobyernong sangkot sa korapsyon, sisibakin

Apat o higit pang opisyal ng gobyero ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

Ayon sa Pangulo – plano niyang alisin sa pwesto ang ilang opisyal sa Bureau of Customs (BOC) bilang bahagi ng kanyang clean up campaign.

Ipinag-utos din niya si Customs Chief Rey Leonardo Guerrero na barilin ang mga nadadawit sa smuggling operations.


Kasabay ng pagkadismaya sa laganap na korapsyon sa ahensya, nagbabala ang Pangulo na magtatalaga ng mga sundalo na papalit sa mga opisyal.

Inatasan din ng Pangulo ang mga opisyal na sugpuin ang red tape.

Dagdag pa ng Pangulo, magbitiw na lamang ang mga opisyal kung hindi nito nagagampanan ang kanilang trabaho.

Ipinaalala rin ng Pangulo sa mga bagong appointees na itaguyod ang good governance at isulong ang accountability at transparency sa trabaho.

Ang “very first task” ng mga opisyal ay tulungan siyang ibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Facebook Comments