4 Overflow Bridges sa Isabela, Hindi pa Madaanan

*Cauayan City, Isabela- *Hindi pa rin pwedeng daanan ang apat na overflow bridges sa lalawigan ng Isabela.

Batay sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Isabela, ‘not passable’ pa sa kasalukuyan ang nasirang Turod-Banquero overflow bridge sa bayan ng Reina Mercedes; Cabagan-Sta. Maria overflow bridge; Cansan-Bagutari overflow bridge sa bayan ng Sto. Tomas at Baculud overflow bridge sa Lungsod ng Ilagan.

*Samantala, *maaari nang daanan ang Masaya Sur overflow bridge sa bayan ng San Agustin, Cabisera 8 overflow bridge sa Lungsod ng Ilagan; Annafunan at Gucab Overflow bridge sa bayan ng Echague at Alicaocao overflow bridge sa Lungsod ng Cauayan.


Facebook Comments