Apat pang panibagong biktima ng human trafficking ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos na makatanggap ng intelligence report ang National Bureau of Investigation (NBI) at Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT.
Batay sa intelligence report, papunta ang mga biktima sa Cambodia para magtrabaho sa offshore gaming corporations.
Unang nagpakilalang mga miyembro ng manpower agency ang mga biktima pero nabisto sila dahil sa inconsistency sa statements.
Nabatid na ang modus ng mga sindikato ay magsama ng babaeng may bata na nagsisilbing escort nila para makalusot sa Immigration.
Facebook Comments