Apat pang mga pasahero na patungo ng Cambodia ang hindi pinayagang makasakay ng eroplano ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa BI, pawang biktima kasi ng illegal recruiters ang naturang mga pasahero.
Base raw kasi sa kanilang imbestigasyon, umamin ang mga biktima na sila ay pinangakuan ng kanilang recruiters na ipapasok sa Cambodia bilang telemarketers sa online gaming company doon.
800 USD daw na sweldo kada buwan ang pinangako ng illegal recruiters sa mga biktima.
Ang mga na-offload na pasahero ay nai-turnover na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa paghahain ng kaso laban sa kanilang recruiters.
Facebook Comments