Saturday, January 24, 2026

4 pang Pinoy crew ng lumubog na barko sa China, patuloy na pinaghahanap; PCG, tumutulong na rin sa search operation

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas at ng Philippine Coast Guard (PCG) na may apat pang Filipino crew members ng lumubog na barko sa Huangyan Dao sa China ang patuloy na pinaghahanap.

Ang naturang mga Pinoy crew ay kabilang sa 21 tripulanteng Pinoy ng M/V Devon Bay na lumubog, kahapon ng madaling araw.

Bukod sa dalawang barko ng China Coast Guard (CCG), nag-deploy na rin ng barko ang PCG para tumulong sa paghahanap sa nawawalang Pinoy crew members.

Partikular ang BRP Teresa Magbanua kung saan nagsasagawa ng radio communications ang PCG sa mga barkong dumadaan sa 141 nautical miles west-northwest ng Tambobong, Pangasinan, bilang bahagi ng search and rescue efforts.

Facebook Comments