Apat ang patay habang pito ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay na pagsabog sa Kathmandu sa Nepal.
Ayon kay Police Official Shyam Lal Gyawali, pinaniniwalaang grupo mga rebeldeng Maoist ang nasa likod ng pag-atake.
Tatlo ang namatay sa unang pagsabog na naganap malapit sa isang parlor sa Sukedhara habang naganap ang ikalawang pagsabog sa isang bahay sa Ghattekulo residential area kung saan isa ang nasawi.
Ang ikatlong pag-atake na ginamitan ng crude device ay naganap sa Thankot area kung saan dalawa ang nasugatan.
2006 nang nagkaroon ng Maoist civil war sa Nepal kung saan ang main group ng mga dating rebelde ay sumapi na sa partidong nagpapatakbo ng gobyerno ngayon.
Facebook Comments