4 patay dahil sa landslide sa Agoncillo, Batangas

Patay ang apat na indibidwal matapos madaganan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan sa Brgy. Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas.

Sa ulat ng Police Regional Office 4, nakatanggap sila ng tawag kaninang umaga kung saan natabunan ng gumuhong lupa o landslide ang tahanan ng pamilya Rimas na gawa sa kawayan at kahoy.

Natabunan ang mga biktima dahilan nang kanilang pagkamatay.


Kinilala ang mga nasawi na sina Denden Malipol Rimas, 27yrs old, Lyca Malipol Rimas 16 yrs old, Aiza Malipol Rimas 13 yrs old at Samantha Rimas Mamugay 9 yrs old.

Narekober naman ang mga labi ng biktima at patuloy na pinalilikas ang mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar.

Facebook Comments