Giza, Egypt – Patay ang tatlong Vietnamese tourist at isang Egyptian tour guide habang sugatan naman ang 12 iba pa sa nangyaring bomb attack sa Giza, Egypt.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, 6:15 kagabi, oras dito sa Pilipinas, nang mangyari ang pagsabog ng homemade device na itinanim sa Mariyutiya Street sa Haram District na malapit sa mga pyramid ng Giza.
Sumabog ang device, habang binabaybay ng tourist bus ang nasabing kalsada.
Sakay nito ang 14 na Vietnamese tourist at Egyptian bus driver at tour guide.
Una na ring kinundena ng mga kalapit na bansa ng Egypt ang nangyaring pagpapasabog.
Sa kasalukuyan, wala pang umaako sa nangyaring pagpapasabog.
Facebook Comments