4 patay sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa Maguindanao

77

Apat ang patay sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa Maguindanao.
Una, ang nangyari sa Datu Blah Sinsuat noong gabi ng sabado March 22, kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Ninita Kurasig 58 anyos, at Yunidis Kurasig 36 anyos habang sugatan naman si Christian Paul Kurasig , kapwa mga residente ng Sitio Kaguco Brgy Matuber .
Sa report mula PNP, alas sais y media noong sabado ng gabi , habang nanunood lamang ng TV ang mga biktima ng biglang pasukin ng suspek na kinilalang si Sumangka Mundo 67 year old at biglang pinagbabaril ang mga biktima.
Narecover sa crime scene ang mga bayo ng bala ng caliber 45 .
Sa isinagawang hot pursuit sa suspek , particular sa tahanan nito sa Matuber, bumulaga sa mga kapulisan ang wala ng buhay ng biktima. Sinasabing nagbaril sa kanyang sarili ito gamit naman ang Shotgun.
Samantala, patay din ang isang Norodin Dimalem 50 anyos hollow blockmaker at residente ng Kabinge Datu Saudi. Nanonood lamang din ng TV sa kanyang sala ang biktima ng pasukin ng dalawang naka bonnet at pinaulan ng bala m-16 at caliber 45 pistol. Multiple gunshot wounds ang natamo ng biktima sanghi ng kanyang kamatayan.
Samatala ospital ang bagsak ng isang magsasaka matapos mabaril din sa Sitio Bago- inged ng Bayanga Norte Matanog.
Kinilala sa report ang naging biktima nasi Musa Mundi. Bagaman kilala na rin ang responsable sa pamamaril patuloy naman itong pinaghahanap.
Google Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments