4 patay sa rido sa Maguindanao del Sur

Nasawi ang apat na katao habang apat pa ang sugatan sa bakbakan ng magkalabang grupo ng Bangsamoro Islamic Armed Forces sa Linantangan Proper, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naganap ang engkuwentro habang bumibyahe ang mga suspek sakay ng tatlong van na nauwi sa matinding palitan ng putok.

Pinaniniwalaang matagal nang alitan sa pamilya o rido ang ugat ng kaguluhan.

Dahil sa gulo, halos 9,000 residente o mahigit 1,700 pamilya mula sa pitong barangay ang lumikas.

Kabilang sa mga apektado ang Linantangan East, Libutan at Duguengen sa Shariff Saydona Mustapha, gayundin ang Libutan Liab, Daladap at Bagumbong sa Mamasapano.

Sa ngayon bantay-sarado ng mga awtoridad ang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Facebook Comments