4 Pinoy boxer na undercard sa Pacquiao-Broner bout, handa na rin sa kani-kanilang laban!

Manila, Philippines – Handa na rin ang apat na Pinoy boxers na undercard sa laban nina Manny Pacquiao at Andrien Broner sa Las Vegas sa linggo.

Kabilang dito si WBA Featherweight Champion Jhack Tepora na target madepensahan ang kanyang titulo kay Superbantamweight Champion Hugo Ruiz ng Mexico.

Maghaharap naman sa lightweight 8-rounder si Rey Perez na Tubong-Zamboanga at ang naging sparring partner ni Pacquiao sa training camp na si Australian boxer George Kambosos.


Susubukan ding patumbahin ni Agusan del Sur native Genesis Libranza sa 8-rounder flyweight fight si Carlos Buitrago ng Nicaragua.

Habang paglalabanan nina Jayar Inson, tubong Davao del Sur at Jonathan Steele ng texas ang welterweight belt sa kanilang 8-round fight.

Facebook Comments