Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na apat na Persons of Interest (POI) na ang nakapagbigay ng pahayag sa National Bureau of Investigation – Philippine National Police (NBI-PNP) joint investigation team kaugnay ng Percy Lapid killing.
Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, ang ikalimang POI ay magbibigay rin ng testimonya ngayong araw.
Siya aniya ang inilipat sa kustodiya ng NBI mula Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Samantala, kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na sa susunod na linggo ay magsasampa na sila ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.
Aniya, may linaw na rin na mastermind sa naturang krimen.
Sinabi rin ng kalihim na kuntento siya sa takbo ng imbestigasyon sa nasabing kaso.