4 pulis na nakunang kasama sa private event ng networking company sa Pasig City, sinibak muna sa SWAT —Eastern Police District

Kinumpirma ni Eastern Police District (EPD) Director BGen. Wilson Asueta na tinanggal muna sa Special Weapons and Tactics (SWAT) team ang apat na pulis na nakunan ng picture sa soft launch ng isang networking company sa Pasig City.

Ayon kay PBGen. Asueta, tinanggal muna sa SWAT ang apat na pulis-Pasig at dinala sa police station habang iniimbestigahan ang pagsama sa event ng ‘Prime Z’ Entrepreneurs Inc.

Paglilinaw ni Asueta, sa Pasig nakadestino ang SWAT personnel at hindi sa Batangas.


Nagsasagawa lamang umano ng regular na pagpapatrolya ang SWAT nang makita ang dami ng tao sa Ortigas Center.

Kwento ng mga pulis, tinawag sila ng ilang tauhan ng Prime Z para magpakuha ng larawan sa kasagsagan ng soft launch.

Sabi ni Asueta, humingi na rin ng paumanin ang Prime Z na iniimbestigahan na rin ng EPD kung may kaukulan bang paglabag ang kanilang picture taking.

Facebook Comments