4 Pulis sa Nueva Vizcaya, Negatibo sa Swab Test on COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagnegatibo sa swab test on COVID-19 ang apat (4) na miyembro ng Internal Affairs Service ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office.

Ayon kay PLt. Joseph Dela Cruz, tagapagsalita ng NVPPO, unang nagpositibo sa rapid test ang apat na miyembro ng IAS matapos sumailalim nitong nagdaang biyernes, May 15, 2020 na isinagawa ng Municipal Health Office ng Bayombong.

Dagdag pa ng opisyal, tinitiyak nila na nasa maayos na kalusugan ang lahat ng miyembro ng pulis sa probinsya upang maiwasan ang pangamba ng publiko hinggil sa kinakatakutang virus.


Matatandaang isinailalim ang ilang pulis sa rapid test upang masigurong ligtas ang lahat sa nasabing sakit.

Facebook Comments