Nasa 41% o apat sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang magiging mas maunlad ang kanilang holiday celebration ngayong taon kumpara noong 2022.
Batay ito sa survey ng Pulse Asia na nitong December 3 hanggang 7, 2023.
Halos kapareho ito sa naitalang 42% noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Nasa 16% naman ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging “unprosperous” gaya noong 2022 ang pagdiriwang nila ng Kapaskuhan ngayong taon habang 13% ang nagsabing mas magiging mahirap ito kumpara noong 2022.
Samantala, sa kaparehong survey, lumalabas na 92% ng mga Pilipino ang sasalubungin ang Bagong Taon nang may pag-asa; 1% ang walang pag-asa habang 7% ang hindi makapagpasya.
Facebook Comments