4 sa 33 establishment na nagbebenta ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan, binigyan ng notice of violation ng DTI

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Atty. Amanda Nograles, Assistant Secretary ng Consumer Protection Group ng DTI na isinagawang inspeksyon apat sa 33 tindahan ng paputok binigyan ng notice of violation.

Nadiskubre kasi ng DTI na bagama’t lisensyado ang manufacturer may ilang mga klase ng fireworks at firecrackers ay nilalagyan ng sticker ng PS o Philippine Standard license sa kabila na hindi ito inaprubahan ng DTI.


Kaya naman kinumpiska ito ng DTI on the spot.

Facebook Comments