4 sa bawat 10 Pinoy, masaya ang buhay – SWS survey

Dumami pa ang mga Pilipinong nagsasabing masaya sila sa unang kwarter ng 2019.

Sa nationwide survey, tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ikinukunsidera ba nila ang kanilang buhay sa pangkalahatan na masaya o hindi.

Lumabas na 44% ang nagsabing “talagang masaya” o very happy sila, 49% naman ang fairly happy o “medyo masaya.”


Nasa pitong porsyento naman ang nagsabing “hindi sila masyadong masaya” o not very happy at isang porsyento naman ang “talagang hindi masaya” o not at all happy.

Ang survey ay isinagawa mula March 28 hanggang 31, 2019.

Facebook Comments