4 sa kada 10 Pilipino, lumala ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 1 taon – SWS Survey

40 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay (“losers”) sa nakalipas na 12 buwan.

Sa 2021 fourth-quarter poll ng Social Weather Stations, 24% naman ng respondents ang nagsabing gumanda ang kanilang pamumuhay (“gainers”) habang 36% ang nagsabing walang nagbago (“unchanged”).

Naitala ng SWS sa -16 ang net gainer score o ang porsiyento ng “gainers” minus ang porsiyento ng “losers.”


Mas mataas ito ng 28 puntos mula sa -44 na net gainer score noong third quarter ng 2021 pero mababa pa rin ng 34 na puntos sa pre-pandemic level na +18 noong fourth quarter ng 2019 na itinuturing na “very high.”

Isinagawa ang survey mula December 12 hanggang 16, 2021 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adult respondents nationwide.

Facebook Comments