4 sibiyan sugatan sa pananambang sa hangganan ng Maguindanao – Cotabato national highway

Apat na mga sibilyan ang sugatan sa nangyaring pananambang pasado alas dos ng madaling araw kahapon sa hangganan ng probinsiya ng Maguindanao at North Cotabato. Nakilala ang apat na mga sugatan na sina Jolly Paquira , driver ng Elf truck, Carol Samaranos 29, Nashlea Nicole Dumato 9 anyos at Roland Custodio 30 anyos pawang residente ng Midsayap North Cotabato. Sa salaysay ng driver na si Paquira mahigit sila 30 sakay ng Elf truck patungo sana ng Digos Cty mula Midsayap para maligo sa dagat ngunit pagsapit nila sa hangganan ng bayan ng Pikit North Cotabto at Pagalungan sa Maguindanao ay tinambangan sila ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan . Kahit sugatan ay nagawa pa ng driver na si Paquira na madala sa pagamutan ang mga sugatang kasamahan. Sa ngayon ay hindi pa alam kung sino ang may kagagawan sa pananambang.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments