Tuesday, January 27, 2026

4-star rank kay acting PNP Chief Nartatez, nakadepende sa schedule ng pangulo

Tiyak na matatanggap ni acting Philippine National Police (PNP) Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kaniyang ika-apat na bituin, bagama’t wala pa umanong itinakdang petsa para sa paggawad nito.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, nakadepende ito sa availability ng schedule ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Gaganapin ang seremonya sa Malacañang, at hindi na magkakaroon ng turnover of command kundi assumption of office na lamang, matapos lumabas ang order ng optional retirement ni dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.

Kaugnay nito, sinabi ni Tuano na inimbitahan ang pangulo bilang guest of honor sa PNP Headquarters para sa taunang selebrasyon ng PNP Day sa Enero 29.

Facebook Comments