4-star rank, naipagkaloob na kay AFP Chief of Staff Jose Faustino Jr.

62

Inaprubahan na ng Commission on Appointments ang promosyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Jose Faustino Jr., na 4-star rank o General.

Ayon kay Faustino, nagpapasalamat siya sa Commission on Appointments dahil sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa hanay ng AFP sa pamamagitan ng pag-apruba ng mga military ranks para sa mataas na responsibilidad na pagsilbihan ng bansa.


Sinabi pa ni Faustino na kailangan nilang patunayan sa mga Pilipino na may katuturan ang pag-promote sa kanila ng national government.

Samantala bukod kay AFP chief, may 40 mga AFP officers ang na promote ang ranggo, ilan dito ay sina Commander of Southern Luzon Command, na si Major General Bartolome Bacarro na na-promote bilang Lieutenant General at si Philippine Army Chief of Staff Brigadier General Roberto Capulong na na-promote bilang Major General.

Si Colonel George Joel Lalaquil ay na-promote bilang Brigadier General; si Brigadier General Peter Angelo Ramos ay na-promote bilang Major General at si Navy Captain Juan Ilagan ay na-promote bilang Commodore.

Ang promotions sa AFP ay isang commitment para mas itaguyod ang professionalism sa hanay ng militar at magkaroon ng magandang kontribusyon sa kanilang performance sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.



Facebook Comments