4, sugatan sa bangayan ng mga taga-suporta ng magkatunggaling kandidato sa Lanao del Norte

Sugatan ang apat na katao na mga supporter ng magkatunggaling kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Salvador sa Lanao del Norte.

Ayon kay Police Major Glyndo Pajanes, nangangampanya sa Barangay Padianan ang grupo ni mayoralty bet Bebot Umpa ng PDP-Laban hanggang sa makarating sila tapat ng munisipyo kung saan nandoon naman ang supporters ni Farhannie Tawantawan, kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Doon na nagkasigawan ang dalawang grupo hanggang mauwi sa sakitan.


Nabatid na ito ang unang karahasan na nangyari kaugnay ng eleksiyon sa probinsiya.

Facebook Comments