4 – sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa Ortigas, Pasig

Pasig City – Apat ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa bahagi ng Ortigas, Pasig City.

Sangkot sa banggaan ang dalawang pampasaherong jeep, van, motorsiklo at kotse.

Isinugod na sa The Medical City ang tatlo sa mga sugatan kabilang ang isang buntis na sakay ng motorsiko.


Habang minor injury lang ang tinamo ng isa pang biktima na agad ding nilapatan ng paunang lunas sa pinangyarihan ng aksidente.

Patuloy namang inaalam ng Pasig City Traffic Parking Management ang dahilan ng banggaan.

Facebook Comments