Sugatan ang apat na katao sa Binalonan, matapos magbanggaan ang isang pick up at dalawang motorsiklo, kahapon.
Naganap ang naturang insidente sa Provincial Highway sa Brgy. San Felipe Central, Binalonan, Pangasinan.
Batay sa imbestigasyon at salaysay ng mga saksi, habang nagmamaniobra ang isang pick-up na minamaneho ng isang 27-anyos na lalaki mula Balungao, bumangga dito ang isang motorsiklo na minamaneho ng 20-anyos na estudyante mula San Manuel.
Kasunod nito, nawalan ng kontrol ang isa pang motorsiklo at sumalpok din sa pickup.
Sugatan ang dalawang motorista at ang kanilang mga angkas, at agad silang dinala sa Urdaneta District Hospital.
Hindi nasugatan ang drayber ng pick-up, ngunit arehong nasira ang tatlong sasakyan, at patuloy pang tinataya ang halaga ng pinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









