4, sugatan sa shooting incident ng Raptors victory parade

49

Sugatan ang apat na tao sa pamamaril na naganap sa victory parade ng 2019 NBA Champion Toronto Raptors.

Sa victory parade ng koponan sa Nathan Philips Square, nagkagulo ang mga tagahanga ng koponan nang makarinig ng putok ng baril.


Agad namang nahuli ang tatlong suspect ng pulisya kung saan na-recover mula sa mga ito ang dalawang baril.

Nabatid na tinatayang dalawang milyong fans ang nagsama-sama kabilang na si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Toronto police sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers