40-46 pesos na kada kilo ng bigas, malabo —SINAG

Malabong maipatupad sa buong bansa ang 40 hanggang 46 pesos na presyo sa kada kilo ng bigas sa susunod na buwan.

Ito ang iginiit ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas sa presyo ng bigas sa merkado.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So na kahit bawasan ang taripa sa imported na bigas ay mahal pa rin ito pagdating sa mga retailer.


“For the past year, ‘yun na ang sinasabi natin eh, ‘yung presyo naman eh pataas nang pataas maski bumaba ‘yung tariff ng importer eh hindi pa rin bumababa sa retail. So, ‘yun ang hindi natin alam kung paano nila gagawin ‘yun.

Aniya, posibleng kayanin ng importer na bawasan ang presyo ng bigas, pero hindi ito kakayanin sa mga lokal na pamilihan.

Kaugnay nito, mainam pa rin aniyang solusyon ang pagkakaroon ng subsidy sa bigas para masuportahan ang layunin ng pamahalaan na pababain ang presyo nito gaya ng mga ibinebenta sa Kadiwa stores.

“’Yung nabibili na palay for example na 27 to 30 pesos eh ‘pag nagiling ‘yan ang presyo is nasa 40 to 50 pesos tapos nagsa-subsidize sila ng almost 20 to 21 pesos para mabenta sa 29 pesos. ‘Yun, pwede ‘yun dahil subsidy ng government.”

Facebook Comments