Wednesday, February 25, 2026

40-ANYOS NA KONSTRUKSIYON WORKER, ARESTADO SA MALASIQUI DAHIL SA KASONG RAPE

Arestado ang isang 40-anyos na construction worker na wanted sa kasong Qualified Rape of a Minor matapos masakote ng mga tauhan ng Malasiqui Municipal Police Station kahapon ng hapon, Pebrero 24, sa Malasiqui, Pangasinan.

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek bilang residente ng Bayambang, na inaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Batay sa ulat, walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso kaya mananatili ang akusado sa kustodiya ng Malasiqui MPS habang sumasailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments