Quezon City – Halos 40 indibidwal ang dinampot ng mga pulis matapos maaktuhang nag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa Quezon City.
Naaresto ang mga ito sa isinagawang anti-criminality operation ng Quezon City Police District sa mga lugar ng Laloma Partikular sa Barangay Apolonio Samson, Santo Domingo, Manresa, Balinggasa at Kaingin Bukid.
Kabilang sa mga naaresto ang apat na babae na kasama sa mga nag-iinuman at isang menor de edad dahil sa paglabag sa curfew.
Isasailalim muna sa verification process ang mga dinapmpot para malaman kung meron silang criminal record.
Pakakawalan naman ang mga unang beses pa lang nahuhuli dahil sa pag-inom pero ikukulong ito kung pangalawang beses nang inaresto.
Samantala, ikukulong naman ang magulang ng bata kung tatlong beses nang mahuhuling lalabag sa curfew ang menor de edad.