40 boxes of banned luncheon meat, nakumpiska sa Maynila

Nasakote ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMART) ang 40 kahon ng ipinagbabawal na luncheon meat mula China.

Naaresto rin ang babaeng Chinese na may-ari ng nasabing mga produkto na Maling Luncheon Meat sa ginawang raid sa Binondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Shuang Tin Lin, 43, ng One Wilson Place, Wilson St., San Juan City.


Si Shuang ay naaresto matapos na magpanggap na buyer ang isang pulis.

Una nang pinagbawal sa Pilipinas ang Maling Luncheon Meat dahil sa nagtataglay ito ng African Swine Flu (ASF).

Ang suspek ay tatambakan ng kaso kabilang na ang paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.

Facebook Comments