Cauayan City, Isabela- Apatnapung (40) digital weighing scales ang ipinamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 sa mga market vendors ng Tuguegarao Public Market kamakailan.
Mismong si DTI R2 Regional Director Leah Pulido Ocampo ang nanguna sa nasabing programang pagbibigay ng mga timbangan.
Hinimok ni RD Ocampo ang mga vendor na magtulungan sa pagsulong ng Karapatan ng mga konsyumners, maiangat at mapabuti ang antas ng pamamalakad ng kani-kanilang mga negosyo.
Kaugnay nito, lumagda sa isang Memorandum of Agreement si G. Robert Ong ng Market Vendors Association ng Tuguegarao City na siyang kumkatawan sa naturang kasunduan para sa pagsusulong ng kapakanan ng mga konsyumer at sundin ang pamantayan ng tama at tapat na pagnenegosyo.
Ipinaalala naman ng ahensya ang usapin tungkol sa batas na weights and measures at sa Price Tag Law bilang bahagi ng adbokasiya na maisulong ang pagsunod sa ethical standard.
Para tuluyang makabangon ang mga MSMEs gaya ng market vendors, namahagi rin ang SBC Corporation ng tulong pinansyal mula sa gobyerno sa ilalim ng Bayanihan Cares.