Papalo sa 40%-60% ang bilang ng umano’y hindi naaabutan ng subsidiya mula sa pamahalaan bilang tulong sana sa taas-babang presyo ng petrolyo, ayon sa ACTO.
Sa ekslusibong panayan ng IFM News Dagupan kay ACTO Nationwide President, Liberty De Luna, ito umano ay dahil sa hirap ng mga requirements na kailangang punan ng tsuper para lang makatanggap nito.
Dagdag pa ni De Luna, na sana ay gumawa ng aksyon ang Presidente para mas mapadali ang pagkuha ng subsidiya mula sa gobyerno.
Dahil dito, maraming subsidiya na umano ang nagdaan kung saan hindi man lang nalasap ng ilang tsuper at patuloy pa rin sa paghihirap para lang makakuha ng kakarampot na tulong mula sa gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments