40 INDIBIDWAL SA PANGASINAN, ARESTADO SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG PULISYA

Arestado ang nasa apatnapung indibidwal mula sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Pangasinan.

Mula September 19-25,2025, naaresto ang nasa 38 suspek habang dalawa naman ang sumuko sa 32 isinagawang operasyon.

Nasakote rin ang nasa 22.201 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na nasa 150,966.80 pesos.

Bukod dito, patuloy ang kampanya ng pulisya kontra iligal na pasugalan at pagtugis sa mga wanted person sa lalawigan.

Facebook Comments