40 katao nanatiling bihag ng Maute terrorist group sa Marawi City

Manila, Philippines – Apatnapung katao ang nanatiling bihag ngayon ng Maute terrorist group sa Marawi City.

Kaugnay ito sa ika 85 araw na gulo sa lungsod.

Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay Spokesperson, AFP Western Mindanao Command at Joint Task Force Marawi at batay sa pahayag ng mga ground commanders.


Sa mahigit 40 mga bihag, mahigit dalawampu dito ay mga babae habang ang natitira ay puro mga lalaki kasama na ang paring si Fr. Teresito “Chito” Suganob.

Challenging o pahirapan naman ngayon sa militar ang ginagawang clearing operation sa mga gusaling pinagkutaan ng Maute terrorist group dahil sa posibleng patibong na inilagay ng mga kalaban o di kaya’y may presensya pa ng terorista kasama ang ilang bihag.

Sa kasalukuyan mahigit apat na raang mga structures pa aniya ang kailangang i-clear ng militar sa Marawi City na karamihan sa mga gusaling ito ay malapit sa lake.

Habang tumatagal naman ang giyera nagdadagdgan din ang mga nasasawi.

Umabot na sa 128 ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng kanilang buhay dahil nagpapatuloy na giyera.

560 ang napatay nang terorista habang 45 sibilyan ang pinatay ng mga miyembro ng Maute terrorist group.

Umabot na rin sa 618 na mga armas ang narekober ng militar mula sa mga kalaban.

Facebook Comments