40 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 272 milyong piso nakumpiska ng PNP sa apat na nasawing drug suspek sa Taguig City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) sa apat na drug suspek ang 40 kilo ng shabu na may halagang ₱272 million sa kanilang ikinasang operasyon sa C6 Road sa Barangay Napindan, Taguig City kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, alas-5:30 ng madaling araw kahapon ng isagawa ng PDEG ang drug operation.

Sa ulat nakipagbarilan sa mga pulis ang apat na drug suspek na ang dalawa ay kinilalang sina Christopher Ocarol at Allan Catalan.


Bukod sa iligal na droga, ilang matataas na kalibre ng baril din ang nakuha sa mga ito.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, sina Ocarol at Catalan ay mga notorious drug personalities na nag-o-operate sa Central Visayas simula taong 2000 hanggang sa mabilanggo noon sa Cebu City Jail.

Nang makalaya muling sinimulan nito ang operasyon sa Metro Manila at Pasig.

Facebook Comments