40 mga lugar sa ilang lalawigan sa bansa, lubog pa rin sa baha

Nananatiling lubog sa baha ang nasa 40 mga lugar sa tatlong rehiyon sa bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang ilang lugar mula sa Region 9, 10 at BARMM kung saan may mga naitala ring landslide.

Sa ngayon, umaabot na sa 60,841 pamilya o katumbas ng 54,289 katao ang apektado ng southwest monsoon sa Mindanao.


Sa nasabing bilang nasa mahigit 4,000 pamilya o mahigit 17,000 indibidwal ang nananatili sa 55 evacuation centers habang ang nasa 46,886 pamilya o 572 katao ang mas piniling manatili sa kani-kanilang tahanan.

Sa datos pa ng NDRRMC, 43 tahanan ang partially damaged habang umaabot sa 30 kabahayan ang totally damaged mula sa Region 9 at 10.

Samantala, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Mindanao.

Facebook Comments