40-Million Na Pasahero, Target Ng Pal Ngayong 2016

10

MANILA – Apatnapung milyong mga pasahero ang target ng Philippine Airlines para sa taong ito.Ito ang ininunsyo ni PAL Senior Vice-President for Comnercial Group David Lim sa pagdiriwang ng flag carrier ng ika-pitumpu’t limang anibersaryo.Kasabay din nito ang pag-anunsyo ng PAL ng mga bagong ruta para sa taong ito.Kabilang dito ang ruta mula Manila patungo ng Kuwait, Riyadh, Dammam,Doha, Saipan,Cebu-Los Angeles at Taipei-Osaka.Kasabay ng kanilang expansion at modernization programs, tiniyak naman ni PAL President Jaime Bautista ang pagpapa-igting ng kanilang serbisyo at seguridad ng mga pasahero.Target din ng Philippine Airlines na masungkit ang 4-star airline rating mula sa kasalukuyang 3-star rating at ito ay sa pamamagitan ng pag-invest sa teknolohiya at mga makabagong eroplano.

Facebook Comments